MABUHAY!
Sa pagsalubong natin sa buwan ng Agosto, ipagdiwang natin ang mahalagang bahagi ng ating pagkatao- ang ating wika, kultura, at pagkakakilanlan, na siyang sumasalamin sa ating pinagmulan.
Ngayong Buwan ng Wika, ipinagmamalaki naming itampok ang mga lokal na produktong hindi lamang nagpapasaya sa inyong mga alaga, kundi sumusuporta rin sa mga negosyong atin. Hindi laging pinakamahusay ang mga produktong mula sa ibang bansa, ilan sa mga pinakamahusay ay mahahanap sa mga lokal na produkto.
Sa Pet Friendly's, sinusuportahan namin ang gawang atin sapagkat nakatutulong ito sa paglago ng ating ekonomiya. Hinihikayat namin kayong gawin din ito. Gayunpaman, maaari naman nating mapakita ang pagtangkilik sa sariling atin sa simpleng paraan, tulad ng pagbili ng mga lokal na produktong nakakatulong sa pagalaga at pagpakita ng pagmamahal sa ating mga alaga.
Sa bawat “Mabuhay” may buntot na kumakaway.
Maligayang Buwan ng Wika!
Nagpupugay,
Pet Friendly’s















